-- Advertisements --

Pumanaw na ang Golden Globe winner actress na si Sally Kirkland sa edad na 84.

Sinabi ng kaniyang representative na si Michael Greene na isang hospice sa pagamutan ng Palm Springs ito pumanaw.

Nagkaroon ito ng sakit na dementia mula pa noong nakaraang taon.

Isinilang sa New York City si Kirkland kung saan ang ina nito ay si Vogue fashion editor Sally Kirkland at metal dealer na si Fredic Kirkland.
Unang sumikat ito ng mapabilang sa “13 Most Beautiful Women” ni Andy Warhol noong 1964.

Siya rin ang unang actress na na lumabas sa stage ng hubot-hubad sa isang Broadway production na “Sweet Eros” noong 1968.

Nagwagi ito ng Golden Golden Globe award sa pagbida niya sa 1987 comedy-drama na “Anna” kung saan nakakuha rin ito ng nominasyon.

Nakasama rin ang actress sa mga pelikula gaya ng “Charlie’s Angels”,”JFK” at “Bruce Almighty”.