-- Advertisements --
Pinapaimbestiga na ni Department of Justice (DOJ) Secretary Jesus Boying Remulla ang naganap na pagpapasayaw ng malaswa sa national conference ng National Bureau of Investigation.
Kasunod ito sa paglabas ng video mula sa komediyanteng si Long Mejia na habang ito ay kumakanta ay may babaeng sumasayaw.
Sinabi ni Remulla na magsasagawa ito ng imbestigasyon at kaniyang mapapanagot ang mga nasa likod nito.
Hindi aniya nila kinokonsinte ang nasabing gawain dahil ang pera ng bayan ang ginamit sa nasabing pulong