Reading Time: 1 minute
Laguna Plane Crash2
Calamba plane crash/ Laguna PDDRMO

NAGA CITY- Nagpaabot ng pakikiramay ang Philippine Red Cross- Camarines Sur sa naulilang pamilya ni Kert Badiola, isa sa mga namatay sa plane crash sa Calamba, Laguna nitong Linggo.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga mula sa Philippine Red Cross- CamSur, napag-alaman na nagsilbing safety services instructor ng naturang tanggapan si Badiola mula taong 2011.

Boluntrayo rin umano itong nakikilahok sa iba’t ibang mga aktibidad ng naturang organisasyon.

Ayon naman kay Ma. Francia A. Fullante head ng Philippine Red Cross- Camarines Sur, malaking kawalan sa kanila si Badiola dahil isa umano ito sa masugid na volunteer tuwing may malalaking aktibidad sa siyudad ng Naga kahit may trabaho na ito sa Maynila.

Dagdag pa nito nagtapos ng nursing ang nasabing biktima at nag aantay na lamang sana na mag trabaho ng ibang bansa bago mangyari ang aksidente.