MANILA – Pumalo na sa 812,760 ang kabuuang bilang ng mga kaso ng coronavirus sa Pilipinas. Kasunod ito ng report ng Department of Health (DOH) sa 9,373 na bagong kaso ng sakit.
“10 labs were not able to submit their data to the COVID-19 Document Repository System (CDRS) on April 5, 2021.”
Batay sa datos ng DOH, bumaba pa sa 19.9% ang positivity rate o bilang ng mga nag-positibo mula sa 27,055 na nagpa-test sa COVID-19 kahapon.
Nananatili namang mataas sa 152,562 ang tota active cases o mga hindi pa gumagaling sa coronavirus infection.
Mula rito, 97.5% ang mild cases; 1.1% asymptomatic; 0.5% critical at severe; at 0.31% moderate cases.
Samantala, nadagdagan naman ng 313 ang kabuuang bilang ng recoveries na ngayon ay nasa 646,381 na.
Habang record-high ang 382 na bagong naitalang namatay para sa 13,817 na total death cases.
Paliwanag ng Health department, nagkaroon ng “technical issue” sa case collection system. Kaya naman mababa ang numero ng bagong COVID-19 deaths na naitatala sa nakalipas na mga araw.
JUST IN: DOH reports 9,373 new COVID-19 cases. Total infections increase to 812,760.
— Christian Yosores (@chrisyosores) April 6, 2021
• Active cases: 152K
• Total recoveries (+313): 646K
• Total deaths (+382): 13.8K
10 labs weren't able to submit their data yesterday. | @BomboRadyoNews pic.twitter.com/Wyv0uwYP5f
“The said issue caused incomplete fatality numbers and data to be encoded and as a result, there were 341 deaths prior to April 2021 that went unreported.”
“The number of deaths reported today (382) already includes the said deaths not reported in previous counts.”
Ayon sa DOH, may 11 duplicates na tinanggal mula sa tota case count. Ang tatlo raw sa mga ito ay kabilang sa recoveries.
“Moreover, 166 cases that were previously tagged as recoveries were reclassified as deaths after final validation.”