-- Advertisements --
miami 2

Patuloy sa pamamayagpag sa tig-dalawang panalo sa magkakaibang laro ang Toronto Raptors, Cleveland Cavaliers at Utah Jazz sa nagpapatuloy na NBA preseason games.

Habang bokya pa rin sa tig-dalawang talo ang Milwaukee Bucks, Charlotte Hornets, at Indiana Pacers.

Sa laro nitong araw, idinispatsa ng Cavs ang Pacers, 116-106. Nanguna sa opensa ng Cleveland si Dante Exum na may 23 points.

Hindi naman umubra sa Raptors ang Hornets, 112-109. Bumida sa panalo si Fred VanFleet na may 23 points. Minalas pa rin ang Hornets kahit nasa kanila na ang big time player ng Celtics na si Gordon Hayward kung saan nagtala ito ng 14 points.

Swerte naman ang Utah Jazz nang iposte ang ikalawang panalo laban sa Phoenix Sons, 111-92. Umeksena si Rudy Gobert sa kanyang 11 points at 20 big rebounds.

Bucks Giannis 1

Ang top team naman na Bucks ay hindi kinaya ang Mavs, 128-112. Ito ay kahit pa nagtala ang MVP na si Giannis Antetokounpo ng 24 points at 14 rebounds. Si Josh Richardson ang nagdala sa team na nagtapos sa 23 points at 7 rebounds. Si Bojan Bogdanovic naman ay dumiskarte ng 18 points. Ang Fil-Am na si Jordan Clarkson ay nagdagdag ng 12 points mula sa bench.