Cardi B
Cardi B/ Twitter image

Desidido na ang rapper na si Cardi B na hindi na ito sasailalim pa sa plastic surgery.

Kasunod ito sa pag-postpone ng kaniyang mga concerts para magbigay oras sa pagpapagaling mula sa liposuction at breast augmentation procedure.

Sa kaniyang Twitter account, nagpahayag ang rapper nang labis na kaniyang pagsisisi.

Ipinakita nito sa kaniyang fans ang kaniyang namamagang paa.

Iginiit nito na hindi niya kagustuhan na magkansela ng concert dahil gusto niya ang mas maraming kita.