-- Advertisements --

Inanunsyo ng American rapper na si Cardi B ang paglabas ng kaniyang ikalawang album.

Sa social media account nito ay ibinahagi ang larawan ng kaniyang album na “AM I THE DRAMA”.

Makikita sa album cover na naksuot ito na kulay pula at may dalawang malaking ibon.

Umabot sa pitong taon bago maglabas ito ng ikalawang album.

Ilan sa mga kasamang kanta ay ang “Outside” kasama dito si Offset.

Sa Setyembre 19 pa ilalabas ang bagong album ng American rapper.