-- Advertisements --
Itinanggi ng US rapper na si Cardi B na inatake niya ang isang security guard.
Sa ginawang pagdinig sa kasong isinampa ni Emani Ellis na inatake siya ng rapper noong 2018 sa Los Angeles.
Ayon kay Ellis nangyari ang insidente sa labas ng obstetricians office kung saan kinalmot siya ng singer at dinuruan pa.
Depensa naman ng rapper na nagkaroon lamang ng palitan ng salita at walang naganap ng anumang pisikal o sakitan.
Unang naghain ng rekamo si Ellis noong 2020 dahil sa pag-atake na nagdulot sa kaniya ng malaking takot.