Milos Raonic tennis
Milos Raonic/ IG post

Umatras na US Open si Candian world number 22 tennis player Milos Raonic dahil sa glute injury.

Ang 28-anyos na dating Wimbledon finalist ay hindi na nakapaglaro pa mula ng magtamo ng injury sa US Open tune-up games sa unang bahagi ng Agosto.

Nakatakda sanang makakaharap nito si Nicolas Jarry ng Chile sa unang round US Open.

Dahil sa pag-atras nito ay papalitan na lamang siya ni Kamil Majchrzak ng Poland.

Naging limitado lamang ang paglalaro nito ngayong taon dahil injury sa likod at tuhod nito.

Ang glute injury ay pananakit sa mataas na likurang bahagi ng hita.