-- Advertisements --
Rain or Shine Elasto Painters
RoS Painters/ PBA image

Buhay pa rin ang pag-asa ng Rain or Shine Elasto Painters sa quarterfinals matapos talunin ang Meralco Bolts 83-81 sa PBA Governors’ Cup.

Nagsanib puwersa sina Richard Ross na nagtala ng 26 points at 12 rebounds habang mayroong 24 points si Rey Nambatac na nagtala ng double-digit para makuha ang 4-7 win-loss record habang ang Bolts ay mayroong walong panalo at tatlong talo.

Umabot pa sa 13 points ang kalamangan ng Bolts hanggang ito ay tuluyang mahabol ng RoS.

Labis namang ikinatuwa Painters coach Caloy Garcia ang panalo dahil kailangan nila ang panalo para sila ay maka-survive at mabigyan sila ng pag-asa.

Nasayang naman ang nagawang 23 points at 16 rebounds ni Allen Durham habang 18 points, 19 rebounds si Raymund Almazan.