-- Advertisements --

Kinuwestyun ni Sen. Erwin Tulfo kung bakit kailangang si Atty. Michael Poa ang sumagot sa mga katanungang umiikot sa naunang pagharap ni DepEd Special Disbursing Officer Edward Fajarda sa House of Representatives.

Tinatanong kasi ni Atty. Benjamin Tolosa kung maalala ni Atty. Poa ang tungkol sa mga naging kasagutan ni Fajarda sa House Committee on Good Government and Public Accountability noong humarap ang huli sa naturang panel.

Bago tumayo si Tulfo ay una na ring naghayag ng objection si Atty. Shiela Sison, ang lead defense counsel.

Ayon kay Sen. Tulfo, tanging sina Fajarda at Rep. Jayjay Suarez ang ipinapakita ng House panel sa korte.

Bakit aniya kailangang tanungin si Poa ukol sa pag-uusap nina Suarez at Fajarda?

Punto ng senador, hindi ba ito pagsasayang sa oras ng korte?

Pinaburan din ni Sen. Chiz Escudero ang obserbasyon ng kaniyang kapwa-senator judge.