Pangungunahan ng bandang Rage Against the Machine, Travis Scott at Frank Ocean ang Coachella Festival ngayong taon.

Ito rin ang unang pagkakatan mula noong 2016 na walang babaeng top performer sa Californian festival na gaganapin sa dalawang weekends ng Abril.

Ilan sa mga babae na napiling magtanghal ay sina Megan Thee Stallion, Lana Del Rey at Summer Walker.

Ito na rin ang pangatlong beses na naimbitahan ang Rage Against the Machine na ang una ay noong 1999 at sinundan ng 2007.

Gaganapin ang Californial music festival sa Abril 10 at Abril 17.