-- Advertisements --

Masayang ibinahagi ng Pinoy content creator at dancer na si Niana Guerrero ang pagsayaw niya sa Coachella.

Kasama nitong sumayaw ang American singer-songwriter na si d4vd kung saan sinayaw nila ang kantang “Feel It”.

Sa social media account nito ay ibinahagi niya ang ilang mga larawan at video ng kaniyang pagdalo sa nasabing music festival.

Bumuhos naman ang pagbati mula sa kaniyang fans at followers matapos ang tagumpay niyang performance.

Ang Coachella ay taunang music festival na ginaganap sa California sa tatlong magkakasunod na weekends ng Abril.