-- Advertisements --
Nakatakdang buksan sa araw ng Linggo ang Rafah crossings sa pagitan ng Gaza at Egypt.
Ayon kay Israel Foreign Minister Gideon Saar, na isinasagawa na nila ang paghahanda para sa nasabing pagbubukas.
Ang nasabing pagbubukas ay matapos na ipinatupad ang ceasefire deal sa pagitan ng Israel at Hamas.
Mula ng pinaigting ng Israel ang pag-atake sa Gaza ay isinara nila ang Rafah Crossings.
Ikinabahala ng United Nations at pagsasara ng Rafah Crossings dahil doon dumadaan ang mga truck na may dalang mga pagkain at tulong sa mga Palestino na nasa Gaza.
















