-- Advertisements --
Aabot sa 13 katao ang nasawi sa airstrikes ng Israel sa Lebanon.
Ayon sa Lebanese health ministry, kabilang sa mga nasawi ang apat na babae at isang bata.
Dalawang babae at isang bata ang kasama sa walong nasawi sa Haboush sa Nabatieh district.
Habang apat na katao naman ang nasawi sa Zrarieh sa Sidon district.
Hindi tumigil ang labanan sa pagitan ng Hezbollah at Israel kahit na mayroong tatlong linggong pinalawig na ceasefire.
Ang inisyal na 10-araw na ceasefire ay inanunsiyo noong Abril 16 matapos ang pag-uusap ng mga ambassadors ng Lebanon at Israel sa Washington.
















