-- Advertisements --

Ipinadala na ng Royal Navy ang kanilang warship na HMS Dragon sa Middle East.

Ayon sa Ministry of Defense ng United Kingdom na maaring sumali sila sa international mission para bigyan ng proteksyon ang mga dumadaan sa Strait of Hormuz.

Ang HMS Dragon ay siang type-45 destroyer na ito ay naka-pre-position sa nasabing rehiyon.

Kasama ni British Prime Minister Keir Starmer at Franch President Emmanuel Macron sa nasabing misyon kung saan ang shipping mission ay maisasagawa lamang kapag natapos na ang labanan sa rehiyon.

Magugunitang kontrolado ng Iran ang Strait of Hormuz sa loob ng ilang mga buwan mula ng ilunsad ng US at Israel ang pag-atake.