Walang nakikitang rason si Department of Justice Secretary Fredderick Vida upang patawan ng ‘suspensyon’ ang direktor ng National Bureau of Investigation na si Atty. Melvin Matibag.
Sa pagtatanong ng Bombo Radyo sa naturang kalihim, aminado siyang hindi ikinukunsidera ng kagawaran na gawin o isyuhan ng kautusan ang opisyal.
Kasunod ang pahayag nang umapela si Senate President Alan Peter Cayetano na suspendihin rin si Dir. Matibag matapos mag-isyu ang Office of the Ombudsman ng ‘preventive suspension’ si Acting Senate Sergeant-at-arms Mao Aplasca.
Paglilinaw naman niyang hindi saklaw ng kapangyarihan ng ahensya ang patawan ng suspensyon ang direktor ng kawanihan kaugnay sa naganap na putukan ng baril sa Senado.
Si Acting Senate Sergeant-at-arms Mao Aplasca ay sinuspinde Ombdusman ng anim na buwan upang magbigay daan sa imbestigasyon sa naganap na mga insidente sa Senado nitong linggo.
Taliwas sa suspensyon inisyu ni Ombudsman Jesus Crispin ‘Boying’ Remulla, naniniwala ang abogadong si Atty. Israelito Torreon na hindi sakop ng kapangyarihan nito na suspendihin si Aplasca.
Giit niya’y mali ito sapagkat ang Sergeant-at-arms, batay sa panuntunan ng senado ay itinuturing bilang isang ‘elective officer’ at hindi basta ‘appointed officer’.















