-- Advertisements --

MANILA – Iniklian na ng Inter-Agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Diseases ang quarantine protocol sa mga indibidwal na “fully vaccinated” na laban sa COVID-19.

Partikular na tinukoy ng IATF ang mga indibidwal na galing sa ibang bansa, pero dito sa Pilipinas nakatanggap ng bakuna.

Sa ilalim ng pinakabagong IATF Resolution No. 119, nakasaad na pitong araw nalang magka-quarantine ang fully vaccinated na inbound traveler pagdating niya ng bansa.

“The BOQ (Bureau of Quarantine) shall ensure strict symptom monitoring while in the
facility quarantine for seven (7) days. Thereafter, the individual is enjoined to self-monitor for any symptoms.”

Hindi na rin mandatory ang COVID-19 testing pagdating, maliban na lang kung nakaramdam ng sintomas ang indibidwal habang nagka-quarantine.

Kabilang sa mga kwalipikado sa bagong panuntunan ay ang mga inbound travelers na nakatanggap ng dalawang dose; at isang dose para sa single-dose vaccine.

Kailangan lang matiyak na ang bakunang itinurok sa kanila ay yung may emergency use o compassionate special permit sa Pilipinas.

“A fully vaccinated individual must carry his or her vaccination card, which must be verified prior to departure, as far as practicable. This document must be presented to the dedicated BOQ representative for re-verification at the Department of Transportation One-Stop-Shop (OSS) upon arrival in the Philippines.”

Ayon kay Health Usec. Maria Rosario Vergeire, itinuturing na “green lane” sa entry at exit points ng bansa ang bagong panuntunan.

Nitong Huwebes daw nang aprubahan ng IATF ang bagong guideline na makakatulong sa mga Pilipinong bakunado na, at kailangan pumunta ng ibang bansa.