BUTUAN CITY – Patuloy pang iniimbestigahan ng Butuan City Police Station-5 ang pamamaril kagabi sa may Brgy. Tungao nitong lungsod na nagresulta sa pagkamatay ng isang purok chairwoman.

Kinilala ni station commander Capt. Paul Paden ang biktima na si Esther Betonio, residente at chairwoman ng Purok 21 ng naturang barangay.

Lumabas sa kanilang inisyal na imbestigasyon na sakay umano ang biktima sa motorsiklong minamaneho ng kanyang asawa kung saan dito na tumabi sa kanila ang dalawang motorsiklong sinakyan ng tig-dalawang katao sabay baril sa biktima sa iba’t ibang parte ng kanyang katawan sanhi ng agaran nitong kamatayan.

Inalam pa nila ang posibleng motibo ng krimen.