-- Advertisements --

ILOILO CITY – Patay ang isang punong barangay matapos na bumangga sa tatlong 10-wheeler truck ang minamaneho nitong sasakyan sa Barangay Dawis, New Lucena, Iloilo.

Kinilala ang biktima na is Mark Dayot, kapitan ng Barangay Cato-ogan, Pototan.

Sa panayam ng Bombo Radyo sa isang Marvin Ricaverte, driver ng unang truck na nabangga, sinabi nito na mabilis ang takbo ng SUV at pagewang-gewang ito sa daan dahilan kung bakit tumigil na lamang sila.

Ngunit sa kasamaang palad ay bumangga pa rin ang SUV sa kanilang truck at sa dalawa pang truck na nasa likuran.

Dinala pa sa ospital ang barangay kapitan ngunit idineklarang dead on arrival.

Nasa kustodiya na ng mga otoridad ang mga driver upang mahingan ng kanilang panig hinggil sa insidente.