CENTRAL MINDANAO-Isa ang sugatan nang matumba ang puno ng niyog sa isang tahanan sa probinsya ng Cotabato.

Nakilala ang biktima na si Elmart Nacua,residente ng Barangay New Cebu President Roxas North Cotabato.

Ayon sa ama ng biktima na si Eduardo Nacua na kasabay ng malakas na ulan at hangin ay biglang nabuwal ang isang puno ng niyog at tumama sa kanilang bahay.

Tinamaan ang biktima sa natumbang puno ng niyog at agad dinala sa pagamutan.

Matatandaan na nakararanas ng matinding pag-ulan at malakas na ihip ng hangin ang probinsya ng Cotabato dahilan para bumaha ang mga mababang lugar.