-- Advertisements --

Patuloy na umaani ng samu’t-saring reaksyon ang naging pulong nina US President Donald Trump at Russian President Vladimir Putin sa Alaska.

Ilang personalidad ang umaasang ito ay simula ng diplomatikong solusyon, habang ang iba ay nag-aalala sa posibleng pagbalewala sa papel ng Ukraine sa negosasyon.

Sa kabila ng mga kontrobersiya, malinaw na patuloy ang mga pagsisikap para sa kapayapaan, bagamat may tensyon sa pagitan ng mga pananaw ng bawat lider.

Sa panig ni Ukrainian President Volodymyr Zelenskyy, mariin niyang iginiit na hindi maaaring maisantabi ang Ukraine sa anumang pag-uusap ukol sa digmaan.

Dapat umanong parte sila ng deal dahil kailangang ikonsidera ang kanilang posisyon sa bawat demand ni Putin.

“The war is happening in Europe, and Ukraine is an integral part of Europe — we are already in negotiations on EU accession.”

Samantala, matapos ang pulong ay sinabi ni Trump na ikinokonsiderang isama sa sunod na pulong si Zelenskyy.

Pero batay sa imbitasyon ni Putin, nais niyang gawin ang pag-uusap sa Moscow na siyang kabisera ng Russia.