drug1

Mahaharap sa kasong administratibo ang isang pulis na nagpositibo sa drug test.

Mismong si NCRPO chief MGen. Debold Sinas ang nagkumpirma na ang nagpositibo na pulis ay naka assign sa Station 4 ng Quezon City Police District (QCPD) nuong May 28,2020.

Nasa 70 police personnel ang sumailalim sa surprised random drug testing, tanging si PSSg Arthur Santos II ang nag positibo.

Batay sa resulta ng urine test ng nasabing pulis, nakitaan ng presensiya ng Methamphetamine hydrochloride o mas kilalang shabu.

Dahil dito, agad ipinag-utos ni Sinas sa District Director ng QCPD na dis armahan ang nagpositibong pulis habang hinahanda ang kasong administratibo laban dito.

Siniguro ni Sinas na magpapatuloy ang gagawing random drug test sa mga pulis para matukoy kung sinu-sino sa kanilang mga kabaro nila ang sangkot sa iligal na droga.