-- Advertisements --

Itinuturing na ng Land Transportation Office (LTO) na isang standard procedures para sa mga pampublikong sasakyan ang pagsasailalim sa random drug testing at roadworthiness inspections.

Sinabi ni LTO chief Vigor Mendoza II, na ang roadworthiness sa mga buses ay mahalaga para maging ligtas ang mga pasahero.

Ang pinaigting na pagsasagawa nila kasama ang surprise drug test at routine vehicle checks ay ipapatupad sa lahat ng public utility vehicles (PUV).

Magugunitang ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr sa Department of Transportation ang inspection matapos ang magkakasunod na aksidente sa kalsada.