-- Advertisements --
Tiniyak ni PNP chief General Guillermo Eleazar na makakasuhan at tuluyang matanggal sa serbisyon ang isang pulis na sangkot sa pangho-holdap sa mga remittance center sa Bulacan.
Nakilala ang suspek si Police Corporal Moises Yango, nakatalaga sa Quezon City Police District (QCPD).
Ayon sa Bulacan PNP, nagsagawa agad sila ng manhunt operations matapos na makatanggap na isang remittance center ang hinoldap ng suspek sa San Ildefonso.
Nakuha kay Yango ang kaniyang service firearm, ninakaw na pera, bala at isang granada.
Sa ginawa ring pagsisiyasat ng mga kapulisan na sangkot na rin ang suspek sa panghoholdap sa isang remittance center sa Nueva Ecija.