Nagbitiw na sa kaniyang tungkulin ang pulis ng Brooklyn Center na si Kim Potter.

Ito ay matapos ang naganap na pamamaril nito sa biktimang si Daunte Wright.

Sumulat mismo si Potter ng kaniyang resignation letter kay Mayor Mike Elliot, Acting City Manager Reggie Edwards at Police Chief Tim Gannon.

Inanunsiyo rin ni Mayor Elliot ang pagbaba sa puwesto ni Chief Gannon.

Magugunitang napatay ni Potter ang 20-anyos na si Wright ng inakalang taser ang kaniyang nahawakan at hindi baril.

Dahil sa pangyayari ay nagkaroon ng kabi-kabilang kilos protesta sa Minnesota kaya nagpatupad ang mga otoridad ng curfew.