-- Advertisements --

CAUAYAN CITY- Ipinasakamay na sa Cauayan City Police Station ang isang pulis na dinakip dahil sa kasong extorsion o pangingikil.

Ang suspect ay si PMaster Sgt. Sherwin Gamit, warrant server ng Cauayan City Police Station.

Kaninang ng huliin ng mga kasapi ng Regional Integrity Monitoring Enforcement team o RIMET ng Police Regional Office 2 ang pinaghihinalaang pulis sa isingawang entrapment operation sa centro poblacion malapit FLDY Coliseum

Hinarang ng puting sasakyan ang sasakyan ng pulis at nakarinig ng putok ng baril ang mga residente malapit sa lugar.

Nakuha sa sasakyan ng pulis ang isang Cal. 38, Caliber 45 na baril at boodle money na humigit kumulang Php300,000.00.

-- Advertisement --

Nakuha rin sa kanyang sasakyan ang kanyang iniporme at case folder

Maaring bukas ay sasampahan ng kasong criminal at Administratibo ang nasabing pulis.

Samantala, naging matipid ang sagot ng suspect sa katanungan ng Bombo Radyo Cauayan at kanyang sinabi na “biktima lamang ako dito” at hindi na sinagot ang mga susunod na katanungan.