CENTRAL MINDANAO – Isang pugante sa Cotabato District Jail ang nasawi at dalawa ang nahuli sa operasyon ng pulisya, militar at PDEA-BARMM sa lalawigan ng Maguindanao.

Nakilala ang napatay na si Tonton Mohammad, pumuga sa CDJ habang nahuli ang kanyang dalawang kasamahan na sina Victor Pasawilan Sabar at Nano Solaiman Mohammad, mga residente ng Barangay Midpandacan, General Salipada Pendatun, Maguindanao.

Ayon kay Maguindanao police provincial director Colonel Arnold Santiago na naglunsad ng law enforcement operation ang mga pulis, militar at PDEA-BARMM sa bayan ng SK Pendatun, Maguindanao.

Nanlaban umano si Tonton Mohammad sa raiding team at nasawi habang nahuli ang kanyang dalawang kasamahan.

Ang tatlo ay miyembro raw nang tinaguriang Kenteng kidnap for ransom group na kumikilos sa lalawigan ng Maguindanao.

Sa ngayon ay hawak ng mga otoridad ang dalawa sa mga nahuli at patuloy na iniimbestigahan.