Nakausap na umano ni Public Attorney’s Office (PAO) chief Persida Rueda-Acosta si Bureau of Corrections (BuCor) Director-General Gerald Bantag para sa isusumite nilang listahan ng mga persons deprived of liberty (PDL).
Ang mga PDL ay inirekomenda nilang mabigyan ng executive clemency.
Isusumite nila ang rekomendasyon kasabay ng kaarawan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ngayong Martes.
Tiwala naman daw ang PAO chief na mayroong good news kaugnay ng kanilang rekomendasyon.
Una rito, nakipagpulong na rin si Acosta kay Bantag at ng Board of Pardons and Parole para pagdesisyunan at isapinal na ang listahang kanilang isusumite sa punong ehekutibo.
Pero ayaw naman daw ni Acosta na ma-preempt ang desisyon ni Pangulong Marcos at Justice Secretary Jesus Crispin Remulla kaugnay ng naturang isyu.
Una nang binigyang diin ng Department of Justice na ang kanilang listahan ay para lamang sa rekomendasyon at ang mayroon pa ring final say dito ay ang Office of the President at Office of the Executive Secretary.
Hininok din ni Acosta ang mga naghain ng reklamo sa mga PDLs na tanggapin ang desisyon sa posibilidad na mabigyan ang mga ito ng clemency.
Pero paglilinaw naman ni Clavano na ang mga PDLs na nakakumpleto na ng kanilang sentensiya sa ilalim ng Good Conduct Time Allowance (GCTA) ay otomatiko nang papalayain.
Ang GCTA ay naibababa depende sa naging conduct ng mga inmates sa pagsunod sa rules at regulation sa loob ng piitan.
Titignan naman daw muna ng DoJ ang listahan kung mayroong malalaking pangalan o mga high profile inmate na kasama sa irerekomendang mabigyan ng executive clemency.