Inanunsyo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na simula ngayong Hulyo 28 (Lunes), libre ng magagamit ng publiko ang mga track and field ovals ng Philippine Sports Commission (PSC) sa Pasig, Maynila, at Baguio City.
“Simula ngayon, bubuksan ng Philippine Sports Commission ang kanilang mga oval para makatakbo kayo nang libre,” ani Marcos sa kanyang ika-apat na State of the Nation Address (SONA).
Layon ng hakbang na ito na tugunan ang pagtaas ng timbang ng mga Pilipino edad 20 pataas, batay sa mga ulat.
Bukod dito, tiniyak din ng Pangulo ang buong suporta ng pamahalaan sa mga atleta ng bansa.
Binanggit niya ang mga palaro tulad ng Palarong Pambansa at Batang Pinoy Games na gaganapin sa General Santos City ngayong Oktubre, at sinabing magsisimula ang isang pambansang programa sa sports development na tutok sa mga paaralan.