-- Advertisements --

Nanawagan ang Philippine Sports Commission (PSC) sa pagresolba ng gusot sa pagitan ng Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA) at si pole vaulter EJ Obiena.

Ayon sa PSC na handa silang mamagitan at magsagawa ng pag-uusap sa dalawang panig.

Nagbabala rin ang PSC na kapag bigong maresolba at magmatigas ang dalawang panig ay maaapektuhan ang kanilang financial assistance na ibinibigay sa PATAFA.

Pinapahinto rin ng PSC ang magkabilang ng panig na maglabas ng anumang pahayag sa publiko at sa social media.

Naniniwala pa rin kasi ang PSC na ang pagresolba ng nasabing usapin ay ang mapayapang pag-uusap.

-- Advertisement --

Magugunitang hinihingi ni Obiena sa PATAFA na mag-public apology dahil sa maling pahayag nila na pineke umano nito ang liquidation at hindi pagbabayad sa coach nito.