Umapela ngayon si PRO-VII director Police Brigadier General Albert Ignatius Ferro sa publiko na makipag-cooperate sa mga otoridad matapos ibinaba na sa general community quarantine ang status ng lungsod ng Cebu simula Agosto 1 hanggang 15.
Sinabi ni Ferro na layunin ng pagbaba sa quarantine status ay upang mabigyaan ng mahabang oras ang publiko na makapag-adjust sa new normal na kinabibilangan ng striktong pagpatupad sa mga health protocols na binalewala naman nung una nang isinailalim ang lungsod sa GCQ noong Hunyo.
Dagdag pa ni Ferro na patuloy pa rin nilang ipatupad ang striktong checkpoints, border control at pagpapatrolya upang masiguro na sinunod pa rin ang mga safety at health protocols sa pag asang maibsan ang mga kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Mananatili naman ang mga pulisyang naka deploy sa lungsod kahit niluwagan na ang status nito.
Samantala base sa pinakahuling tala ng DOH-7, pumalo na sa 8,966 ang kaso ng COVID-19 nitong lungsod ngunit mataas din ang bilang ng mga gumaling na umabot sa 5, 159 habang 493 naman ang naitalang namatay.