LONDON, England – Kinumpirma ng Buckingham Palace ang pagkaka-ospital ni Prince Philip, asawa ni Queen Elizabeth II.

Batay sa opisyal na pahayag, “precautionary measure” ang ginawang pagsugod sa pagamutan sa 98-year-old prince.

Nabatid na nakaranas ito ng hindi magandang pakiramdam kaya mabilis siyang dinala sa King Edward VII Hospital.

Layunin nitong maagapan ang kondisyon ni Prince Philip at huwag nang lumala ang kaniyang kalagayan.

Inaasahang mananatili pa ito sa pagamutan sa loob ng mga susunod na araw.

Noong 2017 ay nagretiro na ang prinsipe sa mga pampublikong aktibidad at madalas na lamang itong nasa Norfolk.