-- Advertisements --
Nakatakdang isagawa ang pinakamalaking auctions sa mga kagamitan ng namayapang si Princess Diana.
Ayon sa Juliens’ Auction sa London, gaganapin ang auction sa Hunyo 26 sa Peninsula, Beverly Hills.
Mayroong mahigit 100 na mga kagamitan gaya ng kaniyang mga bags, sumbrero, sapatos at iba pa.
Noong 1997 mismong si Princess Diana ang nagsagawa ng auction at naibenta ang mahigit 70 na damit nito para makalikom sa kaniyang charity.
Huling nakabenta ang Juliens ng damit ni Princess Diana ay nagkakahalaga ng $1.14 milyon.