Pumanaw na ang Prime Minister ng Ivory Coast na si Amadou Gon Coulibaly.

Kinumpirma ito ng kanilang pangulong si Alassane Outtara.

Sinabi ng pangulo na bigla nabigla na lamang sila dahil ilang oras bago ang pagpanaw ni Coulibaly ay nakipagpulong pa ito sa gabinete.

Isa aniyang malapit na kaalyado niya ang prime minister sa loob ng 30 taon.

Ang 61-anyos na si Coulibaly ay napiling tatakbo ng ruling party sa nalalapit na presidential election sa buwan ng Oktubre.

Hindi naman nito binanggit ang sakti ng Prime Minister basta sinabi lamang ng pangulo na kagagaling lamang niya sa France kung saan nagpasuri ng kaniyang kalusugan sa loob ng dalawang buwan.