-- Advertisements --

Nagkamit ng silver medal si Philippine-born Ivorian fencer Maxine Esteban sa individual foil category ng 23rd African Fencing Championship sa Lagos, Nigeria.

Sa final rounds ay hindi ito nakaporma kay 2024 Paris Olympian Sara Hossny.

Ito ang unang kompetisyon ni Esteban matapos ang walong buwan na pamamahinga dahil sa back injury.

Sinabi nito na ang nasabing medalya ay mahalaga sa kaniya dahil ito ay patunay sa kanilang pagtitiyaga at pagpapagaling.