-- Advertisements --

Pinawi ng PhilBaking Association ang pangamba ng marami na baka magkaroon ng pagtaas ang presyo ng tinapay habang papalapit ang holiday season.

Ayon kay Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Ramon Lopez, nagbigay ng katiyakan ang Philippine Baking Group (Philbaking) na mananatili muna ang kasalukuyang presyo ng mga tinapay hanggang sa pagtatapos ng taon.

Sa kasalukuyan, ang tasty bread ay nasa P35 per loaf, habang ang pandesal naman ay P2 kada piraso ang halaga.

Bagama’t nagmahal ang shipment ng raw materials, kakayanin pa naman umano ng bakers group na i-absorb ito ng mga negosyante na hindi naaapektuhan ang kalidad ng kanilang mga produkto.