-- Advertisements --

Rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo, asahan sa susunod na linggo

Nakatakdang magpatupad ng rollback ang mga kumpanya ng langis sa susunod na linggo.

Sa forecast ng Unioil Petroleum Philippines sa presyo ng petrolyo para sa Disyembre 28, 2021 hanggang sa Enero 3, 2022, bababa ng P0.60 hanggang P0.70 ang presyo ng kada litro ng diesel.

Ang presyo naman ng gasolina ay maaaring magkaroon ng bawas na P0.20 hanggang P0.30 kada litro.

Karaniwang inaanunsiyo ang price adjustments sa Lunes at ipapatupad sa araw ng Martes.

Samantala, pumapalo naman ang year to date adjustments na may total net increase na P17.85 kada litro para sa gasolina at P14.95 kada litro para sa diesel.