-- Advertisements --
3pDAN 3i 1

Nilagdaan na ng Department of Health (DOH) at Department of Trade and Industry (DTI) ang Joint Administrative Order (JAO) na naglalaman ng price range sa COVID-19 RT-PCR testing.

Ayon kay Health Sec. Francisco Duque III, kahapon nila pinirmahan ni Sec. Ramon Lopez ang kautusan na layuning mabigyan ng mas accessible na presyo ang publiko sa pagpapa-test sa COVID-19.

“This will be effective immediately upon publication in the newspapers after which we will issue the presrcibed price range,” ani Duque.

“The government seeks to strike a balance of equity, access, and consumers choice. In determining the price ranges we strive to ensure that there are just equi table and sensitive to all stakeholders.”

Sa ilalim ng JAO, itinakda sa P3,800 ang minimum at maximum price range ng RT-PCR test sa mga pampublikong laboratoryo. Samantalang P4,500 hanggang P5,000 ang maaaring i-presyo ng mga pribadnog laboratoryo.

“Iba yung presyo natin sa private and public kasi iba yung costing framework na ginamit. Sa public, subsidized yung kanilang testing supplies; in effect kasi sumu-sweldo sila sa gobyerno; at may ika-nga ‘social equity issues’ kasi sa gobyerno yung mga mas mahihirap ang kanyang pinagsisilbihan dapat lamang mas bumaba ng pangkalahatan ang presyo.”

“Sa private wala naman silang ganitong subsidies.”

Nilinaw ng Health secretary na dumaan sa pag-aaral ng mga eksperto ang itinakdang price range ng RT-PCR tests at hindi sa brand ng test kits.

Aminado ang kalihim na mapait ang pagtanggap ng pribadong sektor sa kautusan, pero nilinaw na layunin nitong malayo sa abuso ang paniningil ng COVID-19 tests.

“Siyempre masasama loob nila, pero nilabas natin ito para maibsan yung mga abuso. Hindi tama yung nagsasamantala tayo sa panahon ng pandemya”

“Ginagamit nila pati yung testing turnaround time as cost for adding premium to the base testing fee. Hindi pwede ‘yon.”

Ayon kay Sec. Duque, maaaring humarap ng 15-araw na suspension ang isang institusyon o laboratoryo kapag nilabag ang JAO. May kakambal pa ito na P20,000 administrative fine sa unang offense.

Sa second offense naman tatagal ng 30-araw ang suspension at aakyat sa P30,000 ang administrative fine. Pero kapag umabot sa third offense ang paglabag, agad ire-revoke ng DOH ang license to operate ng laboratoryo.

“Mayroon tayong mga tinukoy na mga numero para ito ay i-report, for monitoring, evaluation and enforcement unit na babantayan ang mga laboratoryo na susunod sa JAO na ito. Kasama dito ang DTI at DOH.”

Pag-aaralan din daw ng Health department ang posibilidad na gumawa ng hiwalay na kautusan para sa price range ng iba pang testing method tulad ng antigen test. Hanggang sa ngayon kasi ay pinag-aaralan pa ang pagiging epektibo nito sa COVID-19 testing.

“Kapag lumawig ang gamit ng antigen testing baka mas magkaroon ng sapat na datos para makapagtatag muli ng price range para sa antigen testing.”