-- Advertisements --

Nagbabala ang grupo ng mga magsasaka sa posiblenbg pagtaas ng presyo ng bigas sa buwan ng Oktubre.

Sa pahayag ng Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG), tinatayang nasa P3 hanggang P4 ang inaasahang presyo ng bigas sa susunod na buwan.

Itinuturong dahilan ng SINAG sa pagtaas ng presyo ng bigas ay ang hindi naipamahaging cash aid ng Department of Agriculture (DA) sa panahon ng pagtatanim ng magsasaka sa gitna ng pagtaas ng presyo ng input ng sakahan.

Paliwanag naman ni DA Usec. Domingo Panganiban, hindi naipamahagi ng Landbank ang P5,000 ayuda sa mga magsasaka dahil sa kulang na requirements.

Gayunpaman, tiniyak ng opisyal na pabibilisin ng regional offices ng DA ang koordinasyon sa Landbank at mga magsasaka para sa pamamahagi ng ayuda.