-- Advertisements --

NAGA CITY- Patay ang isang preso matapos nitong aminin ang pangmomolestya sa kanyang mga pamangkin sa bayan ng Labo, Camarines Norte.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay PLtCol. Juancho Ibis, hepe ng Labo-PNP, sinabi nitong Abril 18 ng maaresto nila ang suspek na hindi na pinangalanan pa ng opisyal dahil sa umano’y reklamo ng kamag-anak nito sa isyu ng pangmomolestya.

Ayon kay Ibis, bago nito ibinitin ang kanyang sarili sa loob ng palikuran, naikuwento muna nito sa mga kapwa preso ang nagawang krimen.

Aniya, inamin din nito na maliban sa menor de edad na pamangkin, minolestya din nito ang isa pang kapatid ng biktima.

Sa ngayon, para matanggap aniya ang mga agam-agam sa pagkamatay ng naturang indibidwal, ipinasailalim patin ito sa otopsiya para malaman ang dahilan ng pagkamatay.