-- Advertisements --

Tuluyan nang kinansela ng Commission on Elections (Comelec) ang huling serye ng debate para sa mga tumatakbo sa pagka-presisente at bise presidente.

Ayon sa Comelec, ito ay matapos ianunsiyo ng Comelec at Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP) ngayong Lunes (Abril 25) na binago na ang format ng debate.

Ito ay konsiderasyon dahil sa scheduling conflicts ng ibang kandidato lalo na at malapit na matapos ang campaign period.

Gagawing single candidate/team – panel interview ng Comelec ang format ng debate.