Tiniyak ng Philippine Marine Corps na walang nalabag sa regulasyon o polisiya ng militar sa presensya ng kanilang reservists sa libing ng flight attendant na si Christine Dacera.
Sa isang statement, sinabi ni Maj. Gen. Ariel Caculitan, commandant ng Marine Corps, na ang mga dumalong uniformed personnel sa funeral rights sa General Santos City ay pawang mga reservists na request mismo ng ina ni Christine na si Sharon para tumulong sa pagbibigay ng seguridad, kabilang na ang crowd control, sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Ayon kay Caculitan, ipinagkaloob ng commander ng 12th Regional Community Defense Group ang request na ito ng ina ni Christine.
Wala naman aniyang military honors sa libing ni Christine kahapon, mahigit isang linggo kasunod nang kanyang kontrobersyal na pagkamatay noong Bagong Taon.
Pero, sinabi ni Caculitan na hindi naman ipinagbabawal sa pagtulong ng mga reservist sa pagbuhat nang kabaong ni Christine.
“This does not in any way demean anybody, and I assure you that we are one with our investigating agencies in finding out the real truth behind her death,” dagdag pa ni Caculitan