-- Advertisements --

Pinatitiyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na mabibigyan ng tulong ang mga apektado ng magnitude 7.0 na lindol sa malaking bahagi ng Luzon.

Ayon kay Press Sec. Trixie Cruz-Angeles, may mga aktibidad sanang nakahanay ang pangulo, ngunit minabuti nitong tutukan na lang muna ang pagtugon sa mga nasalanta ng kalamidad.

Maging sa Malacanang ay naramdaman din ang pagyanig, pati na sa iba pang parte ng Metro Manila.

Kaya naman, agad nagsagawa ng inspeksyon ang engineering team ng palasyo upang matiyak na walang pinsala ang mga gusali sa complex, bago payagan ang mga tauhan na makabalik sa kanilang tanggapan.