-- Advertisements --

Dumating na sa US si Pangulong Ferdinand Marcos Jr para sa kaniyang official visit.

Lumapag ang PR 001 flight sa Joint Base Andrews dakong 4:56 ng umaga ng Lunes oras sa Pilipinas.

Magsisimula ngayong Mayo 1 ang bilateral meeting ng pangulo kay US President Joe Biden.

Pagkatapos nito ay magkakaroon siya ng expanded bilateral meeting sa ilang mga US officials.

Ayon sa Department of Foreign Affairs na ilan sa mga tatalakayin ng 2 opisyal ay ang defense at security ng dalawang bansa.