Hinimok ang publiko na magtipid sa paggamit ng kuryente dahil inaasahang magpapatuloy pa ang rotational brownouts habang hindi pa ganap na bumabalik sa normal ang power supply sa Luzon at Visayas.
Ayon sa mga power distributor at sa National Grid Corporation of the Philippines, nakadepende pa rin ang pagbabalik ng matatag na suplay sa pagbalik online ng mga apektadong power plants, lalo na ang malalaking planta.
Naapektuhan ang suplay ng kuryente matapos magkaproblema ang ilang power plants, dahilan upang magtaas ng red at yellow alerts sa Luzon at Visayas nitong mga nakaraang araw.
Dahil sa matinding init at mataas na demand sa kuryente, hinikayat ang mga consumer na bawasan ang konsumo upang makatulong sa pagpapanatili ng suplay at maiwasan ang mas malawak na power interruptions. (Report by Bombo Jai)















