-- Advertisements --

Pinasalamatan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga donor-countries para sa AstraZeneca COVID-19 vaccines.

Sa kaniyang talumpati sa pagdating ng bakuna mula sa World Health Organization-led Covax facility, sinabi ng pangulo na ang hindi paglimot sa mga mahihirap na bansa gaya ng Pilipinas ay isang maituturing na “plus for humanity”.

Kasabay din nito ay pinayuhan niya ang mga mamamayan na magpaturok na ng bakuna.

Ang mahigit 400,000 na bakuna ay dumating sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 at ito ay dinala sa Villamor Air Base para sa acceptance ceremony.

Binubuo ng mga bansang Germany, Norway, France, Italy, Spain, The Netheralands, Sweden, Denmark, Belgium, Austria, Greece at Australia ang nagbigay ng donasyon sa COVAX facility na pinapatakbo ng WHO.