-- Advertisements --
Pinangunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang situation briefing sa lalawigan ng Leyte at mga karatig na lugar na tinamaan ng bagyong Agaton.
Partikular na tinungo ng chief executive ang Baybay City, Leyte, kahit nitong Biyernes Santo.
Una rito, nagsagawa rin ng aerial inspection sa typhoon-hit areas.
Katuwang ng pangulo sa aktibidad sina Sen. Christopher “Bong” Go, DSWD Sec. Rolando Bautista at ilang lokal na opisyal.
Layunin ng personal na pagbisita ng presidente na maipagkaloob agad ang pangunahing pangangailangan ng mga residente sa mga nasalantang lugar.
Tiniyak naman ni Sec. Bautista na may sapat pa silang relief supply para sa mga inilikas na residente dahil sa kalamidad.