-- Advertisements --
Nanawagan si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga mamamayan na itigil na ang bangayan sa pulitika at suportahan na lamang ang administrasyon ni incoming President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Sa kaniyang “Talk to the People” nitong Lunes ng gabi, sinabi nito na na dapat tignan ng mga tao ang reyalidad na mayroon na tayong bagong gobyerno.
Ang susi aniya para magtagumpay ang susunod na administrasyon ay ang suporta ng bawat isa.
Nararapat din na magkaisa ang bawat isa sa pagresolba ng suliranin ng bansa at iwasan na lamang ang pamumulitika.
Nakahanda na rin aniya siya na ipamahagi sa susunod na administrasyon ang mga kakailanganin maging ang suporta.