Inakusahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga ilang mga senador na ginagamit ang mga imbestigasyon para sa pansarili nilang interest.

Sa kaniyang Talk to the People ng Pangulo nitong Lunes ng gabi, partikular na tinukoy nito ang Senate Blue Ribbon Committee na pinamumunuan ni Senator Richard Gordon na nag-iimbestiga sa overpricing na pagbili ng gobyerno ng mga kagamitang medical laban sa pandemiya.

Tinawag pa ng pangulo na ang ginagawa ni Gordon bilang fishing expedition o political circus dahil wala umano itong nakitang anumang ebidensiya.

Makailang ulit na rin aniya sinabi ng Commission on Audit na hindi overprice ang mga binili ng gobyerno na mga face mask at personal protective equipment para labanan ang pandemiya.